|
||||||||
|
||
NAGPADALA na si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pagbati sa nagwaging pangulo ng Estados Unidos na si G. Donald Trump.
Sa isang pahayag ni Presidential Communicagtions Secretary Martin Andanar, sinabi niyang mainit ang pagbati ni Pangulong Dutrete kay G. Doinald Trump sa kanyang pagwawagi sa katatapos na halalan.
Ang halalang naganap sa Estados Unidos ay pagpapakita lamang ng matagal na tradisyong nagpapahalaga sa demokrasya. Hindi lamang sa kalayaang mamili bagkos aY sa mga programa ng dalawang partido politikal, dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Umaasa umano si Pangulong Duterteng makikipagtulungan sa papasok na Trump administration. Nais din ni G. Duterte na magtagumpay ang apat na taong panunungkulan ni G. Trump at bilang commander-in-chief ng militar ng America, umaasa siyang mapayayabong pa ang relasyon ng dalawang bansa ayon sa paggalang sa isa't isa, kapakinabangan ng magkabilang panig at pagkilala sa batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |