|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng opisyal na tsanel, ipinalabas nitong Sabado, Nobyembre 12, 2016, ng Komisyon ng Pagsusuri at Pagtasa sa Hydroelectric Project ng Ilog Irrawaddy-Myitsone ng Myanmar, ang impormasyong nakasaad na isinumite na nito ang unang ulat kay Pangulong Htin Kyaw ng bansa. Dahil kasalukuyang isinasagawa pa ang gawain ng komisyong ito, hindi napakaloob sa naturang ulat ang nilalaman tungkol sa pagtasa at mungkahi.
Noong Agosto 12, 2016, naitatag ng pamahalaan ng Myanmar ang Komisyon ng Pagtasa sa Proyekto ng Myitsone upang isagawa ang pag-aaral, pagsisiyasat, at pagtasa hinggil sa kung dapat ipagpatuloy o hindi ang pagsasagawa ng mga hydroelectric project sa ilog Irrawaddy-Myitsone. Napag-alamang isinumite ang naturang ulat sa palasyong pampanguluhan sa araw ng Biyernes, Nobyembre 11.
Noong Hunyo, 2010, naitatag ng SPIC Yunnan International Power Investment Co., Ltd, Ministri ng Koryente ng Myanmar, at Asia World Company ng Myanmar, ang joint investment company na namuhunan sa pagpapasimula ng nasabing proyekto. Ngunit noong Setyembre 30, 2011, biglang ipinatalastas ng Myanmar ang unilateral na pagsuspendi sa proyektong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |