|
||||||||
|
||
Seoul — Dahil sa corruption scandal, nagdemonstrasyon nitong Sabado, Nobyembre 12, 2016, ang ilang daang libong mamamayang Timog Koreano na layuning pababain sa puwesto si Pangulong Park Geun-Hye. Ayon sa South Korean mass media, ang nasabing bilang ay sinasabing pinakamalaking rally sa bansang ito sapul noong taong 2000.
Ayon sa panig pulisya, halos 260 libong mamamayan ang kalahok sa nasabing rally. Napag-alamang natapos na ang pormal na rally noong alas-22:25 sa araw ng Sabado (local time), ngunit nagtipun-tipon pa ang mga raliyesta sa paligid ng Gwanghwamun Square ng kabiserang Seoul.
Kabilang sa mga kalahok sa rally ay mga batang estudyante, manggagawa, magsasaka, taong may kapansanan, at organisasyon ng kababaihan. Sa mga pormang tulad ng libreng pagtalumpati, demonstrasyon, at iba pa, ipinahayag ng mga raliyesta ang kanilang kawalang-kasiyahan sa kasalukuyang pamahalaan ng bansa at Pangulong Park.
Bukod dito, sa iba't-ibang porma, nagsagawa rin nang araw ring iyon ang mga mamamayan sa Busan, Jeju, at marami pang lugar, ng rally o demonstrasyon na humiling sa pagbaba sa puwesto ni Park.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |