|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Nobyembre 12, 2016, mahigit 2200 kilogram ng ivory at rhino horn ang nawasak ng Biyetnam. Layon nitong himukin ang mga mamamayan na itigil ang pagbili ng mga illegal wild animal products. Napag-alamang nagkakahalaga ng mahigit pitong (7) milyong dolyares sa black market ang nasabing nawasak na ivory at rhino horn.
Sinasabing gaganapin sa loob ng kasalukuyang linggo sa Hanoi ang isang pandaigdigang pulong hinggil sa ilegal na kalakalan ng mga wild animals. Kalahok dito ang mga opisyal at eksperto mula sa iba't-ibang bansa na kinabibilangan ni British Prince William na siyang mariing pumupuna sa nasabing ilegal na kalakalan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |