|
||||||||
|
||
Ginawaran noong Sabado, November 12, 2016 ng Board of Governors ng Academy of Motion Picture Arts and Science ng Amerika ng Honorary Award Oscar si Jackie Chan, martial arts movie star ng Tsina, kasama ang tatlo pang personalidad sa industriya ng pelikula. Si Jackie Chan ay unang Tsino na nakuha ang award na ito.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Jackie Chan na, "Pagkaraan ng mahigit na 50 taon na pagsisikap, mahigit na 200 pelikula at maraming pilay, nakuha ko ang award na ito. Maraming salamat sa lupang-tinubuan kong Hong Kong at inang-bayan kong Tsina, at ipinagmamalaki ko ito bilang isang Tsino."
Sa kanyang mahigit na 50 taon sa industriya ng pelikula, gumanap si Chan ng papel bilang aktor, direktor, screenwriter, at producer. Sa kanyang mga pelikula, pinagsama niya ang Chinese martial arts at elemento ng comedy. Magkahiwalay na nakuha ng kanyang pelikulang Police Story at Crime Story ang Hong Kong Film Awards at Golden Horse Award. Pagkaraan nito, nakipagtulungan siya sa Hollywood para ipalabas ang mga pelikula na gaya ng Rumble in the Bronx at Rush Hour, at naging matagumpay sa buong daigdig.
Ang tatlo pang awardee ay sina 86 taong gulang na documentary filmmaker Frederick Wiseman, 88 taong gulang na casting director Lynn Stalmaster at 90 taong gulang na film editor Anne V. Coates.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |