Isang artikulo ang inilathala Nobyembre 17, 2016, sa pahayagang El Comercio ng Peru, bago ang gagawing pagdalaw sa bansang ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na dumalaw sa Tsina si Pangulong Pablo Kuczynski Godard ng Peru, noong Setyembre, 2016, at dadalaw rin siya sa Peru sa Nobyembre, 2016. Ito aniya'y nagpapakita ng komong mithiin ng dalawang panig sa pagpapalakas ng pagtutulungan para isakatuparan ang magkasamang pag-unlad. Ipinahayag din ng Pangulong Tsino na susuporta ang Tsina sa nakatakdang pagdaraos ng ika-24 na APEC Summit sa Peru. Umaasa aniya ang Tsina na magsisikap, kasama ng Peru at mga ibang kalahok para matamo ang tagumpay sa naturang pagtitipon.