Nakipag-usap Nobyembre 17, 2016, sa Beijing si Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina sa kanyang dumadalaw na Laotian counterpart na si Somekeo Seelavong.
Sinang-ayunan ng dalawang ministro ang pagtatatag ng regular na mekanismong pandiyalogo, sa lalong madaling panahon. Umaasa anila silang palalalimin ang kooperasyong bilateral, at pagtutulungan ng law enforcement sa Mekong River, para mabisang bigyang-dagok ang terorismo at pagpupuslit ng droga, para pangalagaan ang kaligtasan ng mga tauhan, organo, at isinasagawang proyekto ng dalawang panig.