Sa kanyang pagdalaw sa Lima, Peru, pumunta noong nagdaang Sabado, November 19, 2016 sa Museo Larco, ang mga asawa ng mga APEC economic leaders, kasama sa kanila ay si First Lady Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Itinatag ang Museo Larco noong 1926. Karamihan sa mga collections ay ang pottery na nagpapakita ng kasaysayan, lipunan, at pamumuhay noong panahon ng Pre-Columbian ng Peru.
Sa pagbisita sa nasabing museo, isinalaysay ni Peng ang kasaysayan ng pag-unlad ng pottery at teknolohiya ng paghahabi ng Tsina.
Salin: Andrea