![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bumigkas ng Thanksgiving speech si Pangulong Obama sa White House
Nitong Miyerkules, Nobyembre 23, 2016 (local time), dumalo sa White House si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa huling "National Thanksgiving Turkey Presentation" sa loob ng kanyang termino. Pagkaraan ng kanyang maikling na Thanksgiving speech, idineklara ni Obama ang pagkapili ng turkey na may pangalang "Tot" bilang "turkey na pinatawad" sa taong 2016. Bukod dito, nakuha rin ng isa pang turkey na si "Tater" ang pardon o kapatawaran.
Winning poster ni "Tot" sa 2016
Salaysay kay pardoned turkey na si "Toto" sa 2016
Salaysay kay pardoned turkey na si "Tater" sa 2016
Ang nasabing dalawang turkey candidates ay kapwa galing sa estadong Iowa ng Amerika. Una ritong naisaoperasyon ng White House ang online voting channel kung saan nagwagi si "Tot" at nakakuha ng 51% boto. Masuwerteng makakaligtas sina "Tot" at "Tater" at hindi kakatayin sa Thanksgiving Day, at ihahatid sila sa kanilang bagong tahanan sa Virginia Polytechnic Institute and State University kung saan gugugulin nila ang masaya at malayang natitirang panahon ng kanilang buhay.
Mula 1947, iniaalay ng National Turkey Federation ang turkey sa Pangulo ng Estados Unidos, na nagpapataw naman ng kapatawaran at inililigtas ang ibon para hindi maging hapunan.
Salin: Li Feng
Photo Source: White House Twitter
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |