NANAWAGAN si G. Satur Ocampo kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang Presidential Commission on Good Government na habulin ang ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Samantalang may magandang relasyon si Pangulong Duterte sa mga Marcos lalo na kay dating Senador Bongbong Marcos, kaya't may posibilidad na habulin ang nakaw na yaman upang pakinabangan ng pamahalaan sa mga proyekto.
Importanteng mabawi ang yaman upang magamit sa pagpapatupad ng proyekto sa pagpapa-unlad ng ekonomiya. Batid umano ni G. Duterte sa simula pa lamang na samantalang mayroong magandang relasyon sa mga militante, nananatili silang pumupuna sa mga Marcos.