Idinaos kamakailan sa Kunming, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang unang porum ng Tsina at Myanmar hinggil sa pangangalaga sa yamang-gubat at pagpapaunlad ng komunidad.
Ipinahayag ng panig Tsino, na bilang magkapitbansa, mahalaga ang kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa pangangalaga sa yamang-gubat, at kailangang palalimin at palawakin ang kooperasyong ito.
Ipinahayag naman ng panig ng Myanmar ang pag-asang tutularan ang karanasan ng Tsina sa pagbabawas ng kapinsalaan sa kagubatan. Nakahanda rin ang Myanmar na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa mga aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapaunlad ng malinis na enerhiya, at pangangalaga sa bio-diversity.