|
||||||||
|
||
Ayon sa Columbian media, isang eroplanong may lulang 72 pasahero ang bumagsak Martes, Nobyembre 29, 2016, sa Columbia. Hanggang sa ngayon, hindi pa malinaw ang kalagayan ng mga kasuwalti.
Napag-alamang kabilang sa mga pasahero ang Brazilian football team na Chapecoense. Kasalukuyang isinasagawa ang search at rescue operation.
Ayon sa departamento ng abiyasyong sibil ng Columbia, may 72 pasahero at 9 na crew sa bumagsak na eroplano. Hindi pa malinaw ang sanhi ng aksidenteng ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |