|
||||||||
|
||
Shanghai — Sa pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, binuksan nitong Miyerkules, Nobyembre 30, 2016, ang unang Forum for Asian Deans of Journalism and Communication. Dumalo rito ang halos isang daang kaukulang iskolar at eksperto mula sa 22 bansang gaya ng Tsina, Timog Korea, Hapon, at Singapore para magkaroon ng malalimang pagpapalitan at talakayan hinggil sa kung paanong mapapalakas ang konstruksyon ng Asian Community of Common Destiny at mapapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng mga deans of journalism at communication ng iba't-ibang bansa sa kasalukuyang new media environments.
Mga kalahok sa Porum
Ipinalalagay ng mga kalahok na ang napakabilis na pag-unlad ng new media ay nakapagbigay ng pagkakataon at hamon sa journalism at communication ng iba't-ibang bansa. Anila, ang pagtutugma sa new media development, pagsasama-sama ng journalism at communication resources ng mga bansang Asyano, at pagpapalakas ng tinig ng mga bansang Asyano, ay nagsisilbing isyung dapat agarang pag-aralan ng journalism at communication sector ng mga bansang Asyano.
Forum for Asian Deans of Journalism and Communication
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Guo Weimin, Pangalawang Puno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang kooperasyon sa larangan ng journalism at communication, ay mahalagang bahagi ng konstruksyon ng Asian Community of Common Destiny. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing porum, makakapagbigay ang mga deans of journalism and communication ng iba't-ibang bansang Asyano ng positibong ambag para sa pagtatatag ng komong komunidad ng kapalaran.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |