Ayon sa ulat ng media ng Pakistan, noong ika-8 ng Disyembre, 2016, dumating ng Islamabad ang lahat ng mga bangkay ng bumagsak na eroplano, at ililipat sa kanilang mga pamilya pagkatapos ng matukoy ang kanilang identidad.
Noong ika-7 ng Disyembre, bumagsak ang isang eroplanong pampasahero mula Chitral sa Islamabad, kabisera ng Pakistan. Nasawi ang lahat ng 48 tao sa eroplano, kinabibilangan ng 5 miyembro ng crew, 42 pasehero at isang ground staff. Sa mga pasahero, dalawa ang Austrian at isa ang Tsino.
Ipinahayag ni Nawaz Sharif, Punong Ministro ng Pakistan ang pakikidalamhati sa mga biktama, at nag-atas na magkakaloob ng tulong sa mga pamilya.
Salin:Lele