Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Pilipinas at Tsina, patuloy na gumaganda

(GMT+08:00) 2016-12-13 11:08:33       CRI

RELASYON NG PILIPINAS AT TSINA, HIGIT NA GUMAGANDA. Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana sa isang eksklusibong panayam kaninang umaga sa Quezon City. Maraming nararapat gawin, dagdag pa ni G. Sta. Romana. Malaki ang posibilidad na makarating na siya sa Beijing sa Enero ng 2017. (Melo M. Acuna)

KASUNOD ng matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong nakalipas na Oktubre, dumating na sa Pilipinas ang ilang delegasyon ng matataas na opisyal ng Tsina at nakipag-usap sa mga opisyal ng bansa sa larangan ng pagsasaka, kalakal at negosyo at maging sa mga napipintong mga proyektong maipatutupad ayon sa mga kasunduang nilagdaan.

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago "Chito" Sta. Romana sa isang eksklusibong panayam kaninang umaga. Obligasyon niyang magkatotoo ang mga kasunduang nalagdaan sa pamamagitan ng paghahanda ng magkabilang panig at pagsasagawa ng masusing pag-aaral. Bilang Philippine Ambassador to China, sinabi ni G. Sta. Romana na matututo na ang Pilipinas sa mga leksyong idinulot ng ZTE-NBN at iba pang kontrobersyal na kasunduan.

Sinabi pa ni G. Sta. Romana na mayroon ding malalim na relasyon ang Pilipinas at Estados Unidos at marapat lamang bantayan ang mga pagbabagong ipatutupad ng nahalal na pangulong si G. Donald Trump.

Hinihintay na lamang ni G. Sta. Romana ang pormal na pagtanggap ng Tsina sa kanyang appointment bago siya magtungo sa Beijing. Umaasa siyang makababalik sa Beijing bilang Ambassador ng Pilipinas sa darating na Enero, 2017.

Mas marami pang nakatakdang pagpupulong sa larangan ng ugnayang panglabas, kalakal, pagsasaka at maging sa larangan ng gawain ng coast guard.

Ipinaliwanag niyang ang pahayag ng Tsina at Pilipinas sa pagtatapos ng pagdalaw ni Pangulong Duterte noong Oktubre ang kanyang "program of action" at gabay sa kanyang pagiging sugo ng Pilipinas.

Marapat lamang bantayan ng mga Filipino ang gagawin ni Pangulong Donald Trump sapagkat umatras na siya sa Trans Pacific Partnership na siyang economic arm ng American pivot sa Asia. Nais mabatid ni G. Sta. Romana kung ano ang magiging alternatibo ni G. Trump sa TPP.

Higit umanong makikita ang independent foreign policy ng Pilipinas sa balansyadong pakikipagkaibigan sa mga bansang tulad ng Tsina, Estados Unidos, Japan, India, Korea at iba pang bansa sa Asia at ASEAN, dagdag pa ni G. Sta. Romana.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>