|
||||||||
|
||
PAGLABAS NG BANSA NI SENADOR DE LIMA, IKINABAHALA. Nabahala naman si Atty. Larry Gador (kaliwa) at G. Dante Jimenez, founding chair ng Volunteers Against Crime and Corruption sa pagpayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na makalabas ng bansa ang kontrobersyal na mambabatas, Senador Leila de Lima. Nangako naman ang mambabatas na babalik agad sa Pilipinas matapos dumalaw sa America at Alemanya. (Melo M. Acuna)
NABAHALA naman sina G. Dante Jimenez, founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption at Atty. Larry Gador, ang pagpapahintulot ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na makalabas ng bansa si Senador Leila de Lima.
Nakatakdang magtungo sa Senador de Lima na nahaharap sa mga usaping may kinalaman sa paglago ng industriya ng droga sa New Bilibid Prison sa Estados Unidos at sa Germany.
Nangako naman ang mambabatas na babalik siya sa Pilipinas matapos tumanggap ng parangal sa Estados Unidos at magsalita sa isang taunang pagtitipon hinggil sa Cultural Diplomacy sa Berlin.
Ayon kay Atty. Gador, walang panahong humarap sa pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan ang senador subalit mayroong pagkakataong makalabas ng bansa.
Para kay G. Dante Jimenez, nakalulungkot na iba ang prayoridad ng senador sa halip na linisin ang kanyang pangalan. Mas makabubuting bumalik ang mambabatas pagkatapos ng kanyang international commitments upang huwag siyang mapasama sa pagkilala ng madla.
Inilabas nina Atty. Gador at G. Jimenez ang kanilang mga pananaw sa katatapos na Kapihan sa Quezon City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |