Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: Mga mamamahayag na Filipino, natuwa sa kaunlarang nakakamtan ng Tsina

(GMT+08:00) 2016-12-13 11:10:32       CRI

IKINALUGOD ng mga mamamahayag na Filipino ang mga positibong pagbabago sa Tsina sa paglipas ng mga taon. Magugunitang naglakbay ang sampung mamamahayag kamakailan sa Beijing, sa Nanning, at sa Yangshuo na nakita ang mga programa sa pagsasaka, kaunlaran sa mass transport tulad ng magaganda at malinis na tren at ang dalisay na kapaligirang matatagpuan sa Yangshuo.

PAGNUGOT NG SUBIC BAY NEWS, NATUWA SA KAUNLARAN NG TSINA. Ikinagalak ni Vic Vizcocho, Jr. ang kaunlang nakamtan ng Tsina sa paglipas ng mga taon. Unang nakadalaw si Vic sa China noong 2009. Malaki na umano ang ipinagbago ng Beijing at mga lalawigan ng China. (Melo M. Acuna)

Sinabi ni G. Vic Vizcocho, publisher ng Subic Bay News, ang pahayagang kapalit ng Stars and Stripes noong panahon ng mga Americano sa Zambales, na nakita niya ang pagbabago sa larangan ng mga pagawaing-bayan at mga sasakyan. Ikinatuwa rin niya ang pagtutuon ng pansin ng Tsina sa larangan ng pagsasaka at turismo.

Nakita ni G. Vizcocho ang kaunlarang nakamtan ng mga magsasaka sa mga patanimang dinalaw ng delegasyon.

TRAIN SERVICES NG CHINA, MAKALI ANG IPINAGBAGO. Makikita ang bilis ng tren na sinakyan ng mga mamamahayag na Filipino sa bilis na 245 kilometro bawat oras na parang hindi gumagalaw. Maganda at maayos ang mga sasakyang tulad nito na humihimpil sa moderno at malilinis na train terminal. (Melo M. Acuna)

Higit siyang natuwa sa kanyang karanasang makasakay sa mabilis na tren na higit sa 240 kilometro bawat oras. Kahit walang natatanging seksyon sa tren tulad ng business class sa eroplano, makikita ang mataas na uri ng serbisyo sa mga sumasakay, maging mga banyaga o mga Tsino.

Unang nakadalaw si G. Vizcocho sa Beijing at Shanghai noong 2009 sa ilalim ng kasunduan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at State Administration for Radio, Film and Television ng Tsina. Mas maraming mga sasakyan sa mga lansangan ng Beijing at Shanghai, dagdag pa ni G. Vizcocho.

Patuloy umanong nakikita ang mga gusaling itinayo sa Beijing kaya't pagpapatunay itong maunlad ang ekonomiya.

PNA SENIOR EDITOR, NAGSABING MARAMING MATUTUTUHAN SA TSINA. Sinabi ni Gng. Leslie Venzon ng Philippines News Agency na maraming matututuhan ang Pilipinas sa mga programa ng China tulad ng kanilang pagbibigay pansin sa Agri-Tourism. Kuha ang larawan sa pagdalaw ng delegasyon sa Banyan Tree, isang eksklusibong bakasyunan. (Melo M. Acuna)

Sinabi naman ni Gng. Leslie Venzon, isang senior editor ng Philippines News Agency (PNA), na nakita ang political will ng pamahalaang Tsino sa pagpapatupad ng mga programang magpapaunlad sa bansa at mga mamamayan.

Maliwanag umano ang mga prayoridad ng pamahalaan. Ikinatuwa niya ang kanyang nakita sa KOFCO, isang makabagong paraan ng pag-aalaga ng mga halamang pinakikinabangan ng mga mamamayan.

Bagama't malaking investment ang kailangan, ani Gng. Venzon, kailangang matuto ang Pilipinas sa larangan ng teknolohiyang angkop sa panahon at pangangailangan ng Pilipinas.

May mga pook sa Pilipinas na maaaring paglagyan ng mga sentro ng pag-aaral at pagsusuri tulad ng KOFCO. Magaganap ang mga ito sa Pilipinas kung magkakaroon ng incentives mula sa pamahalaan, dagdag pa ng mamamahayag.

Sa tanong kung uubra ang agri-tourism sa Pilipinas, sinabi ni Gng. Venzon na malaki ang posibilidad nito sa Mindanao na makapagpapayabong ng mga pananim sa iba't ibang sakahan.

OPISYAL NG CNN PHILIPPINES NANINIWALANG UUNLAD ANG TURISMO SA PILIPINAS. Sinabi ni Bb. Cecille Lardizabal ng CNN Philippines na malaki ang kaunlarang matatamo ng Pilipinas sa pagtutulungan ng pamahalaang pambansa at pamahalaang lokal sa mga pasilidad at programang itatayo at magagamit sa larangan ng agri-tourism. (Melo M. Acuna)

Sa panig naman ni Cecille Lardizabal ng CNN-Philippines, namangha siya sa mga teknolohiyang nakita sa KOFCO sa Beijing. Nakita rin niya ang mga green houses at ang paggamit ng liwanag upang mapayabong ang iba't ibang pananim.

Matagal na umanong isinusulong ng pamahalaan ng Pilipinas ang agri-tourism kaya nga lamang ay 'di nagtagumpay. Idinagdag pa ni Bb. Lardizabal na mahalaga ang pagtutulungan at koordinasyon ng pamahalaang pambansa at pamahalaang lokal.

Naniniwala si Bb. Lardizabal na malaking salapi ang inilaan ng Tsina para sa mga pagawaing-bayan. Higit siyang natuwa sa uri ng himpilan ng tren sa Nanning. Makakasabay na umano, kungdi man, ay mauuna na ang Tsina sa larangan ng mass transport.

Maraming matutuhan ang mga Filipino sa Tsina, dagdag pa ni Bb. Lardizabal lalo pa't lahat halos ng mga lalawigan sa Tsina ay maganda ang katayuan. Ikinagalak din niya ang tagumpay ng Tsina sa pagpapa-angat ng uri ng buhay ng mga mamamayan nito.

KOLUMNISTA NG MINDANAO CROSS NAGPASALAMAT. Mainit ang naging pagtanggap ng mga Tsino sa delegasyon ng mga mamamahayag na Filipino. Ito ang sinabi ni Nash Maulana ng Cotabato City, isang kolumnista ng Mindanao Cross at correspondent ng Philippine Daily Inquirer. Bahagi na ng buhay ng mga taga-Asia at Pilipinas ang lutuing Tsino, dagdag pa ni G. Maulana. (Melo M. Acuna)

Isa sa nakasama sa delegasyon ay ang kolumnista ng Mindanao Cross, si Nash Maulana, isang Muslim na matagal na ring tagapagbalita ng Philippine Daily Inquirer sa Maguindanao province.

Ikinamangha niya ang pagtanggap ng mga Tsino sa mga pook na dinalaw at nagpasalamat siya sa pagkakataong matikman ang mga orihinal na pagkaing Tsino, kabilang na ang Peking Duck.

Sa pamamagitan ng public-private partnership, higit na uunlad ang mga sakahan kung magkakaroon ng mas matagalang pagpapa-arkila ng mga lupaing sakahan tulad ng mga sakahang dinalaw sa Beijing at Yangshuo.

Kailangan umanong pagsamahin ang pagsasaka at turismo sapagkat makatatawag ito ng pansin ng mga dadalaw sa Pilipinas tulad ng ikinamangha ng mga mamamahayag na Filipino na dumalaw sa iba't ibang sakahan sa Tsina.

Nakatutuwa ang mass transport ng Tsina, dagdag pa ni G. Maulana na nagpapakita lamang ng transparency sapagkat katapat na rin ng mga train system sa iba't ibang bansa sa daigdig.

Nakarating na rin si G. Maulana nsa Estados Unidos mga ilang taon na ang nakalilipas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>