|
||||||||
|
||
SINABI ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar ang naunang sinabi ni Pangulong Duterte na siya mismo ang pumapatay sa mga kriminal ay kailangang liwanagin. Idinagdag ni G. Andanar na ipinagtatanggol lamang ni dating Mayor Duterte ang kanyang sarili sa mga enkwentro o sagupaang naganap.
Pinagbalik-aralan umano niya ang tape at walang sinabing personal niyang pinatay ang mga masasamang loob. Karapatan lamang umano ninoman na ipagtanggol ang sarili kung nasa panganib, dagdag pa ni G. Andanar.
Noong punonglungsod pa lamang umano si G. Duterte, siya mismo ang namuno sa pulisya at lumahok sa mga police operations upang personal na mapaslang ang mga kriminal.
Nabanggit ito ni G. Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng Wallace Business Forum sa Malacanang noong Lunes. Sa kanyang state visit sa Cambodia, sinabi naman ni G. Duterte na maaaring nakabaril siya ng kriminal.
Ani G. Andanar, huwag naman sanang bigyan ng masamang kahulugan ang pahayag ng pangulo sapagkat isang paraan lamang ito ng pananakot sa mga kriminal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |