Ipinadala Martes, Disyembre 20, 2016, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Joachim Gauck, Pangulo ng Alemanya matapas ang insidente ng pananagasa ng isang trak sa isang Christmas market sa Berlin.
Ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, ang pakikidalamhati sa mga biktima at pakikiramay sa mga pamilya. Aniya, matatag na tinututulan ng Tsina ang terorismo sa anumang porma, at kinakatigan ang pagsisikap ng Alemanya para sa pangangalaga ng seguridad at katatagan. Nakahanda rin itong palakasin ang kooperasyon sa komunidad ng daigdig kabilang ang Alemanya, para labanan ang terorismo.
Salin:Lele