Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Signal No. 4 itinaas sa Catanduanes at Albay

(GMT+08:00) 2016-12-25 18:05:41       CRI

MAKAPAL NA ULAP NAGBABADYA NG SAMA NG PANAHON. Kung sa Albay ay mayroon ng higit sa 100,000 katao ang lumikas sa paglapit ng bagyong "Nina," makikita na ang makakapal na ulap na nagsasabing bubuhos ang malakas na ulan. Kuha ang larawan sa Sta. Cruz, Baao, Camarines Sur na saklaw ng Cyclone Signal No. 4. (Melo M. Acuna)

NAKATAAS na ang Cyclone Warning Signal No. 4 sa Catanduanes at Camarines Sur sa paglapit ng malakas na bagyong si "Nina" mula ngayong Linggo ng hapon.

Sa inilabas na ulat kaninang ala-una ng hapon, sinabi ng PAGASA na patuloy na nananatiling panganib ang sama ng panahon sa Bicol Region. Nakita ang sama ng panahon may 110 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes at may lakas na 185 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometro bawat oras at kumikilos sa direksyon na 15 kilometro bawat oras.

Ang mga naninirahan sa mga pook na saklaw ng Signal No. 4 ay makararanas ng hanging mula 171 hanggang 220 kilometro bawat oras sa susunod na 12 oras. Magkakaroon ng banayad hanggang na matinding pinsala sa mga gusali at malubhang pinsala sa mga pananim. Magkakaroon din ng banayad hanggang sa napakalakas na ulan sa lawak ng bagyong umaabot sa 500 kilometro.

Posibleng magkaroon ng daluyong na mula dalawa hanggang tatlong metro sa silangang bahagi ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes.

Nakataas ang Signal No. 3 sa Burias Island sa Masbate, sa Albay, Camarines Norte, Southern Quezon, Sorsogon at Marinduque. Magkakaroon din na maliit hanggang sa malaking pinsala sa mga gusali at pananaim sa susunod na 18 oras.

Nakataas naman ang Signal No. 2 sa Metro Manila, Masbate, kasama na ang Ticao Island, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Quezon Province, kasama na ang Polillo, Romblon, Cavite, Rizal, Bulacan at Northern Samar.

Nakataas naman ang Signal Numbner 1 sa Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Quirino, Nueva Vizacaya, Zambales, Pampanga, Tarlac, Occidental Mindoro kasama na ang Luban island, Calamian Group of Islands, Bataan, Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Bantayan Island sa Cebu.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>