|
||||||||
|
||
ISANG DAANG LIBO katao ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa Albay sa paglapit ng bagyong "Nina" sa Catanduanes at Albay ngayong hapon.
Ayon kay Cedric Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, higit sa 30,000 katao na ang nagdiwang ng "noche buena" sa evacuation centers samantalang marami pang inilikas sa Pio Duran. Ilang daan katao ang inilikas mula sa mga bayan ng Malinao, Manito, Guinobatan at maging sa Legazpi City upang makaiwas sa masamang epekto ng bagyo.
Ipinaliwanag ni Dr. Daep na layunin nilang makapaglikas ng may 40,000 katao dahil sa posibleng pagbaha, pagguho ng lupa, malakas na hangin at posibleng pagkakaroon ng daluyong.
Hindi kayang manirahan ng mga tao sa mga paraalan kaya't may ilan sa kanila ang naninirahan sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |