|
||||||||
|
||
INUTUSAN ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi ang mga tauhan ng iba't ibang tanggapang saklaw ng kagawaran upang matiyak na magkakaroon ng tuloy na supply ng kuryente sa mga pook na tatamaan ng bagyo.
Handang magpatupad ng contingency plans para sa pagdating ng bagyong "Nina" sa malaking bahagi ng bansa.
Tatama ang bagyo ngayon sa Bato, Catanduanes at tatahak sa direksyon ng Camarines Sur, Quezon at Cavite. Wala pa namang napipinsalang transmission lines ang National Grid Corporation hanggang ika-11 ng umaga kanina.
Alertado na rin ang mga tanggapan sa Dasmarinas, Cavite, sa Tayabas, Quezon, Naga City sa Camarines Sur at Ormoc City sa Leyte.
Si Undersecretary Wimpy Fuentebella ang mangunguna sa monitoring team.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |