|
||||||||
|
||
KAILANGANG MAGING MAINGAT SA MGA PAHAYAG. Nanawagan naman si UP Prof. Jay Batongbacal sa pamahalaang maging maingat sa mga pahayag sapagkat ang anumang pahayag nito ay maaaring magkaroon ng epekto sa paninindigan ng Pilipinas. (Melo M. Acuna)
NANAWAGAN si UP College of Law Professor Jay Batongbacal na huwag basta maglalabas ng pahayag ang pangulo ng bansa sapagkat baka makompromiso sa larangan ng pandaigdigang isyu.
Ito ang kanyang reaksyon sa pahayag ni G. Duterte na itatabi na muna ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa reklamong ipinarating ni Secretary Albert F. del Rosario at iba pang opisyal may ilang taon na ang nakalilipas.
Naglabas ng desisyon ang hukuman noong ika-12 ng Hulyo 2016 na pabor sa Pilipinas subalit sinabi ni G. Duterte na itatabi na muna ito upang yumabong ang relasyon ng dalawang bansa.
Nangangamba si Prof. Batongbacal na baka magkaroon ng epekto ito sa tayo ng Pilipinas sa isyu sapagkat iba ang kahulugan ng pagsasaisang tabi sa larangan ng batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |