|
||||||||
|
||
NAKIISA si Chinese President Xi Jinping sa pagdadalamhati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasawi at sa pinsalang nakamtan dulot ng bagyong "Nina" na may international name na Nock Ten.
Sa isang mensaheng ipinadala kay G. Duterte, nakiramay si Pangulong Xi sa mga mamamayang apektado ng trahedya.
Ani G. Xi, matalik na magkaibigan ang Pilipinas at Tsina at nababahala ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa mga naapektuhan ng malakas na bagyo. Handang tumulong ang Tsina sa abot ng kanilang makakaya.
Naniniwala si Pangulong Xi sa mga Filipino sa ilalim ng liderato ni G. Duterte na makababawi sa pinaka-madaling panahon at maitatayong muli ang mga napinsalang tahanan.
Tumama ang bagyong Nock-Ten sa Bicol Region noong Pasko at ikinasawi ng anim katao at ikinawala ng 19 na iba pa. Umabot ang pinsala sa halagang US$ 80 milyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |