|
||||||||
|
||
Sa katwiran ng kapabayaan, inaresto nitong Martes, Enero 3, 2017, ng panig pulisya ng Indonesia ang kapitan ng nasunog na tourist ferry boat na si Mohamad Nail.
Sa isang nakasulat na pahayag, sinabi nang araw ring iyon ng kapulisan ng Indonesia na sa katotohanan, lulan ng nasabing bangka ang halos 250 pasahero, ngunit 100 pasahero lamang ang nakikita sa passenger list. Ito anito ay lumabag sa kaukulang tadhana ng maritime traffic law. Kung mapapatunayang may-sala siya, mahaharap si Mohamad Nail sa kahatulang sampung (10) taong pagkabilanggo.
Nitong Linggo, unang araw ng Enero, 2017, isang tourist ferry boat na may lulang halos 250 pasahero ang nasunog habang naglalayag mula puwerto ng Jakarta papuntang Tidung, isang tourist destination na may layong 50 kilometro sa kabisera ng Indonesia. 23 pasahero ang nasawi sa aksideteng ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |