Ipinahayag nitong Huwebes, Enero 5, 2017, ng Malacanang na bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa taong 2017, isusulong ng Pilipinas, pangunahin na, ang anim na agenda. Idaraos din nito ang isang serye ng selebrasyon tungkol sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.
Sinabi ni Martin Andanar, Communications Secretary, na kabilang sa nasabing anim na agenda ay pagtatatag ng prinsipyong "people-oriented and people-centered", kapayapaan at katatagang panrehiyon, seguridad at kooperasyon sa dagat, inklusibong inobasyon at paglaki, pagtatatag ng "Resilient ASEAN," at pagpapalakas ng papel ng ASEAN bilang huwaran ng rehiyon at puwersang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Enrique Manalo, Pangalawang Kalihim ng Ugnayang Panlabas, na ngayon'y ang angkop na panahon sa paghahanda para harapin ang mga bagong hamon sa rehiyong ito. Upang maisakatuparan ang nasabing anim na agenda, itataguyod aniya ng Pilipinas ang halos isang daang (100) pagtitipon sa iba't-ibang lunsod at rehiyon sa taong kasalukuyan. Idaraos din ng Pilipinas ang isang serye ng selebrasyon bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng