|
||||||||
|
||
KIKILOS ang pamahalaan upang matamo ang katarungan sa pagkakapaslang sa walong mangingisda sa Siromon Island sa may Zamboanga kamakalawa.
Ayon sa isang pahayag, sinabi ni Secretary Manuel Pinol na hiniling na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga pamilya ng mga biktima at personal siyang dadalaw sa Zamboanga sa darating na Sabado.
Natagpuan ang walong napaslang na mangingisdang nakagapos sa kanilang bangka matapos makapagsumbong ang ibang nakaligtas sa Philippine Coast Guard at nagsabing limang armadong kalalakihan ang sumakay sa kanilang mga bangkang pangisda at inutusang yumuko at nagpaputok na lamang.
Tumalon ang mga nakaligtas at lumangoy patungo sa pinakamalapit na baybay-dagat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |