|
||||||||
|
||
DARATING bukas si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ang kanyang maybahay na si Gng. Akie Abe para sa dalawang araw na official visit sa Pilipinas. Magtatagal sila sa bansa hanggang sa Biyernes.
Isa umano itong pagpapakita ng mainit na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Pag-uusapan nina Pangulong Duterte at Prime Minister Abe ang counter-terrorism cooperation, drug rehabilitation projects, infrastructure development, maritime cooperation at iba't ibang proyektong magpapa-unlad.
Si G. Abe ang kauna-unahang pinuno ng bansang dadalaw sa Pilipinas ngayong 2017 at kauna-unahang panauhing dadalaw sa Davao City na tahanan ng malaking Japanese Community. Naunang tinanggap ni G. Duterte si Japanese Foreign Minister Fumio Kishida sa Davao.
Noong nakalipas na taon, ipinagdiwang ng Pilipinas at Japan ang ika-60 taon ng diplomatic relations. Isa ang Japan sa pinakamalapit na economic partners samantala isa rin ang Japan sa nangungunang bansang agresibo sa people-to-people relations.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |