Kaugnay ng pagtatagpo sa New York, Enero 9, 2017, nina bagong halal na Pangulong Donald Trump ng Amerika at Jack Ma, Executive Chairman ng Alibaba Group ng Tsina, ipinahayag Miyerkules, Enero 11, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi magkokomento ang Tsina sa aksyon ng bawat bahay-kalakal ng bansa, pero suportado ng pamahalaan ang patuloy na pagpapasigla sa pagpapahigpit ng kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina't Amerika.
Kaugnay ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ipinahayag ni Lu na ang nasabing relasyon, ay may mutuwal nakapakinabangan.