|
||||||||
|
||
NANINIWALA si PNP Director General Ronald dela Rosa na nagsisinungalin si SPO3 Ricky Sta. Isabel, ang nangungunang pinaghihinalaang pumaslang sa Koreanong negosyante noong nakalipas na Oktubre 2016.
Sa isang press briefing, sinabi ni Dela Rosa na dumalaw siya kay Sta. Isabel sa PNP Custodial Center upang pakinggan ang panig ng suspect subalit pawang mga palusot lamang ang binanggit sa pakikipag-usap.
Pawang palusot, self-defense at alibi ang binanggit ng pulis at naniniwala si General dela Rosa na ang taong nagigipit ay gagawa ng mga palusot.
Napagimbestiga na siya ng malalaking krimen bilang isang pulis at batid niya kung nagsasabi ng totoo ang kanyang kausap. Hindi naman umano niya hinahatulan ang pulis subalit batid niya ang kakayahan ng kanyang mga tauhan.
Ninais umano niyang ilabas na ni Sta. Isabel ang lahat ng nababatid subalit walang naganap na anumang pahayag.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |