Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Delegasyon ng mga kalihim mula sa Pilipinas, dumalaw sa Beijing

(GMT+08:00) 2017-01-23 18:17:10       CRI

MGA KALIHIM MULA SA PILIPINAS, NA SA BEIJING. Ito ang sinabi ni retired General at ngayo'y chairman ng Philippine National Railways sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina. Sa pagdalaw na ito, makakabalita ang Pilipinas kung alin-alin ang mga proyektong tutustusan ng Tsina saklaw ng mga nilagdaang "Memorandum of Understanding" noong dumalaw si Pangulong Duterte sa Beijing noong Oktubre 2016. (Melo M. Acuna)

NAGTUNGO sa Beijing kahapon ang isang delegasyon ng mga kalihim ng pamahalaan ni Pangulong Duterte upang makipag-usap sa mga opisyal ng Tsina hinggil sa mga nilagdaang "Memorandum of Understanding" noong nakalipas na Oktubre.

Nabatid na kabilang sa mga naglakbay sina Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, Transportation Secretary Arthur Tugade, Budget and Management Secretary Benjamin Diokno at Finance Secretary Carlos Dominguez.

Inaasahang nagsimula na ang pag-uusap ng magkabilang-panig kaninang umaga.

Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina, sinabi ni Retired General at ngayo'y Chairman ng Philippine National Railways Roberto Tupas Lastimoso na isa sa mga paksang pag-uusapan ng mga opisyal na Filipino at Tsino ang hinggil sa daangbakal.

Ani Chairman Lastimoso, napakahalaga ng train service para kay Pangulong Duterte sapagkat talagang kailangan ito ng bansa at mga mamamayan.

Ipinaliwanag ni G. Lastimoso na sa pagdalaw na ito ng mga opisyal ng pamahalaang Filipino, mababatid kung anong mga detalyes ng mga proyektong maaasahan sa pagitan ng dalawang bansa. Ang mga proyektong ito ay maaaring sa pagitan ng mga kumpanyang Tsino sa ilalim ng Public – Private Partnership o PPP, Pamahalaan ng Tsina at Pamahalaan ng Pilipinas at posibleng soft loans mula sa Tsina.

Noon pa mang ika-15 ng Nobyembre, binanggit na ni G. Wu Zhengping, director general ng Department of Asian Affairs ng Chinese Ministry of Commerce na interesado ang magkabilang-panig na magtulungan sa larangan ng mga proyektong itatayo sa larangan ng mga daang-bakal, paliparan, daungan, mga tulay at maging mga expressway.

Nabanggit na rin ni G. Wu na matagumpay ang kanyang pakikipagpulong sa mga pinuno ng iba't ibang kagawaran sa Pilipinas na kinabibilangan ng Department of Transportaion at National Economic and Development Authority.

Samantala, sinabi ni Atty. Timothy John Batan, isang opisyal sa Rail Sector ng Department of Transportation na mas magiging madali ang pagbuhay ng daang-bakal sa pagitan ng Maynila at Legazpi City sapagkat palalakihin na lamang ang riles at tutugon sa pandaigdigang pamantayan o standards. Mayroon na ring original na daang-bakal at hindi na kailangang ayusin ang "right of way" sa mga daraanan ng riles.

May balak na pangkalahatan ang Department of Transportation sa larangan ng "urban lines" o ang serbisyo sa pagitan ng mga malalaking lungsod at mga kalapit lalawigan tulad ng Calamba City hanggang sa Metro Manila.

Kinikilalang "long-haul lines" ang serbisyo ng tren sa malalayong pook tulad ng Maynila at Lungsod ng Legazpi at iba't ibang rehiyon.

Mayroong nakalaang siyam na linya ng tren sa pagitan ng Metro Manila at mga kalapit-pook. Inihalimbawa ni Atty. Batan ang Lines 1, 2 & 3 na pinakikinabangan na ng mga mamamayan. Ang Line 1 na dumaraan sa Taft Avenue ay magkakaroon ng extension hanggang sa Bacoor, Cavite. Sa Line 2 ay nagmumula sa Santolan, Pasig hanggang C. M. Recto sa Maynila. Sinimulan na rin ang extension nito patungong Masinag. Antipolo City. May dalawang dagdag an estasyon na nakatakdang buksan sa susunod na taon.

Ang west line naman ay nakatakdang makarating sa Pier 4 sa Tondo, Manila at isinasaayos na ang pagpapasubasta ng proyekto.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>