MAGTUTULUNGAN ang Pilipinas at Tsina sa pagkakaroon ng 30 proyektong nagkakahalaga ng US$ 3.7 bilyon na layuning mabawasan ang kahirapan.
Ayon sa impormasyon ng mga media outlet sa Maynila, naganap ito matapos ang pulong sa Beijing kanina. Wala umanong detalyes subalit sinabi na ni Chinese Commerce Minister Gao Hucheng na panimula pa lamang ang mga proyekto. Kailangang gumugol ng panahon upang maproseso ng mga bangko ang pagpapadaloy ng salapi.
Sa panig ni Finance Secretary Carlos Dominguez, sinabi niyang maganda ang naging pag-uusap hinggil sa mga proyekto sa kanayunan at ilang maliliit na proyekto.