|
||||||||
|
||
NANATILI pa ring layunin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang gaan ng paglalakbay, rasonableng halaga ng pagsakay sa pamamagitan ng subsidyo ng pamahalaan ng Pilipinas. Layunin din nilang manatiling maaasahan ang serbisyo para sa madla at kaligtasan.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, higit na makikinabang ang mga mamamayan sa pagkakaroon ng "common station" sa pagitan ng Ayala Trinoma at SM North EDSA sapagkat sa common station magtatagpo ang tatlong linya ng train, ang LRT 1 at MRT 3 at ang itinatayong MRT 7.
May isang transfer station na inilipat na ng Department of Transportation sa LRTA at ito ay ang pagtatagpo ng MRT 3 at LRT 2 sa Cubao, Quezon City.
Sa pagkakaroon ng common station sa mayt SM North at Ayala Trinoma, umaasa silang daraan ang may 480,000 katao sa pasilidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |