Lumubog Sabado, Enero 29, 2017 ang isang bapor na may lulang 28 turistang Tsino sa paligid ng Sabah state, Malaysia. Ang bapor ay bumabyahe mula Kota Kinabalu papuntang Mengalum Island. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng tropang pandagat at maritime police ng Malaysia ang paghahanap sa naturang nawawalang bapor.
Pagkaraang maganap ang insidente, agarang hinilingan ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na palakasin ng Ministring Panlabas ng Tsina at Embahada ng Tsina sa Malaysia ang ugnayan sa mga autoridad sa lokalidad, para mapabilis ang paghahanap at pagliligtas ng mga nawawalang turista. Hiniling din sa Ministri ng Tranportasyon, Kagawaran ng Turismo ng Tsina na agad na ipatupad ang emergency measures, at puspusang katigan ang mga gawain ng Malaysia.
Ipinahayag naman ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na dapat palakasin ang paghahanap at pagliligtas sa mga nawawala. At dapat maayos na mangasiwa sa relief work sa ilalim ng mekanismo ng proteksyon ng Chinese national.
salin:Lele