SINABI ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang Philippine Constabulary upang makatulong sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Inilabas ni Pangulong Duterte ang panukalang ito sa isang command conference na dinaluhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Malacanang noong Linggong gabi.
Ayon sa pangulo, magkakaroon ng mga kawal bilang mga tauhan samantalang nililinis ang hanay ng Philippine National Police. Lalabas na higit na mapagkakatiwalaan ang organisasyong ito, dagdag pa ni G. Abella.