|
||||||||
|
||
Ayon sa opisyal ng Malaysian Maritime Enforcement Agency (MMEA), pinalawak na nila sa 3900 square nautical miles ang saklaw ng paghahanap sa mga nawawalang turista sa lumubog na bapor
Lumubog Sabado, Enero 29, 2017 ang isang bapor na may lulang 28 turistang Tsino sa paligid ng Sabah state, Malaysiya. Ang bapor ay bumibiyahe mula Kota Kinabalu papuntang Mengalum Island. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng tropang pandagat at maritime police ng Malaysiya ang paghahanap sa naturang nawawalang bapor.
Dagdag pa ng nasabing opisyal, bagama't lumipas na ang 72 oras na golden rescue time, nananatiling mahigpit ang mga gawain ng paghahanap. At hanggang sa kasalukuyan, nagpadala na ang Malaysiya at Brunei ng 7 vessels, 7 bapor, 6 na eroplano at helicopter para sa paghahanap ng mga biktima ng trahedya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |