Ipinalabas kamakailan ng Laos ang hakbangin ng pagpapasimple ng prosidyur sa pagpasok sa bansa ng mga mamamayan ng mga kapitbansa nito. Ito ay para makahikayat ng mas maraming turista mula sa naturang mga bansa.
Ayon sa pinakahuling regulasyon ng panig Lao, puwedeng pumasok sa bansa ang mga turista mula sa limang kapitbansa na kinabibilangan ng Tsina, Thailand, Biyetnam, Myanmar, at Kambodya, kung may dala silang passport, at hindi kakailanganin ang iba pang dokumento. At sa tulong ng mga travel agency ng Laos, puwede silang bumisita sa halos lahat ng mga lugar na panturista ng bansang ito.
Salin: Liu Kai