Hanggang sa kasalukuyan, nawawala pa rin ang 5 turistang Tsino na lulan ng lumubog na bapor sa Sabah, Malaysia. Samantala, patuloy ang paghahanap sa 3,900 square nautical miles na katubigan sa paligid ng Sabah, Sarawak, at Brunei.
Ayon sa ulat ng media ng Malaysia, ang lumubog na bapor ay ginagamit sa siyentipikong pagsusuri sa inshore area, at hindi ito puwedeng maglayag sa rehiyong pandagat sa kanluran ng Sabah state. Bukod pa rito, ang lulang 31 katao ng bapor ay lampas sa kapasidad nito.
salin:Lele