SA kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines na suportahan ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pakikipaglaban sa illegal drugs, sinabi ni Secretary Delfin Lorenzana na handa silang tumugon sa kautusan.
Hiniling ni G. Lorenzana sa Office of the Executive Secretary na maglabas ng kautusan hinggil sa binanggit ng Pangulong Duterte upang maging basehang legal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Kailangan din ang isang pormal na kautusan sa direktiba ni G. Duterte sa Armed Forces of the Philippines na dakpin ang mga tiwaling pulis.