Ayon sa report na isinapubliko Pebrero 9, 2017 ng Lupon ng Kabuhayang Panghinaharap ng Ministring Pananalapi ng Singapore, sa loob ng darating na 10 taon, isasakatuparan ng bansa ang 2-3% ng paglaki ng kabuhayan, kada taon.
Ipinahayag ng nasabing lupon, na nasa 5-6% ang annual economic growth rate ng Singapore, nitong ilang taong nakaraan. Anito pa, sa kasalukuyang pandaigdigang kalagayan sa kabuhayan, pulitika, siyensiya at teknolohiya, magiging mahirap ang patuloy na pagsasakatuparan ng katulad na bahagdang pangkaunlaran.