Idinaos kamakailan sa Hainan Normal University, Tsina ang seremonya ng pagbubukas para sa mga estduyanteng dayuhan mula sa probinsyang Luang Prabang ng Laos.
Ang naturang 20 kabataang Laotian ay pinagkalooban ng 5 taong International Scholarship ng pamahalaang lokal.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Li Sen, Pangalawang Presidente ng Hainan Normal University, na hanggang sa kasalukuyan, nahubog na nila ang mahigit 5,000 estudyanteng galing sa 14 na bansa at mahigit 3,000 sa kanila ay naging boluntaryong guro sa pagtuturo ng wikang Tsino.
Noong Hulyo, naging mag-sister provinces ang Hainan at Luang Prabang. Bukod sa nasabing scholarship para sa 20 kabataan, ipagkakaloob din ng Hainan ang pagsasanay sa aspekto ng rural small business finance sa Luang Prabang.