|
||||||||
|
||
White House, Lunes, Pebrero 27, 2017, kinatagpo ni Donald Trump, Pangulo ng Amerika si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Ipinahayag ni Yang na mahalaga ang pag-uusap kamakailan ng mga pangulo ng Tsina at Amerika, dahil itinakda nito ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na sumunod sa diwa ng nasabing pag-uusap, kumatig sa prinsipyo ng paggalang at walang komprontasyon, at pagkakanoong ng kooperasyon. Dapat din aniyang pahigpitin ang pagpapalitan sa iba't ibang antas, palawakin ang koordinasyon sa mga mahalagang isyung pandaigdig at panrehiyon, at igalang ang nukleong interes ng isa't isa, para mapasulong ang malusog at matatag na relasyong ng Tsina at Amerika.
Ipinahayag ni Trump na masaya siyang nagkaroon ng mahalagang pakikipag-usap kay Pangulong Xi. Pinahahalagahan aniya ng Amerika ang kooperayson sa Tsina. Kinakailangan ng dalawang panig ang pagpapahigpit ng pagpapalitan at kooperayon sa iba't ibang larangan, dagdag ni Trump. Dapat din aniyang palakasin ang koordinasyon ng dalawang panig sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon.
salin:Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |