|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon, Pebrero 28, 2017, sa Naypyitaw, kabisera ng Myanmar sina Du Jiang, dumadalaw na Pangalawang Puno ng Kawanihan ng Turismo ng Tsina at U Ohn Maung, Ministro ng Hotel at Turismo ng Myanmar.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Du na nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyong panturista sa Myanmar. Nakahanda rin aniyang magkaloob ng pagkatig ang Tsina sa pag-unlad ng turismo ng Myanmar, sa larangan ng pondo at pagsasanay ng tauhan. Aniya, ang taong ito ay Taon ng Kooperasyon ng Turismo ng Tsina at ASEAN, at ang idaraos na Porum ng Kooperasyong Panturista ng Tsina at Myanmar ay ang kauna-unahang porum sa ilalim ng framework ng Kooperasyon ng Turismo ng Tsina at ASEAN. Umaasa aniyang magagamit ang pagkakataong ito, para mapasulong ang pagpapalitan ng Tsina, Myanmar at ASEAN sa larangang ito.
Sinabi naman ni U Ohn Maung na nananatiling mainam ang tunguhin ng kooperasyon ng dalawang bansa sa turismo, at umaasa siyang mapapahigpit ang kooperasyon ng dalawang panig sa transnasyonal na paglalakbay at pagsasanay ng mga tauhan.
salin:Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |