Puspusang pasusulungin ang inisyatiba ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road," sa pamamamagitan ng magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagbabahaginan ng lahat ng mga may-kinalamang panig. Palalalimin ang pandaigdig na kooperasyon sa kapasidad sa pagpoprodyus. Palalakasin ang pandaigdig na kooperasyon sa edukasyon, kultura, turismo, at iba pa. At buong husay na idaraos ang summit forum hinggil sa pandaigdig na kooperasyon sa "Belt and Road" Initiative para maisakatuparan ang komong kaunlaran. Ipagpapatuloy ang matatag at mabuting tunguhin ng kalakalang pandaigdig, at puspusang pabubutihin ang kapaligiran ng pamumuhunang dayuhan.
Pasusulungin ang kalayaan at kaginhawahan sa pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan. Ang globalisasyong pangkabuhayan ay angkop sa saligang interes ng iba't ibang bansa ng daigdig. Buong tatag na pasusulungin ng Tsina ang pandaigdig na kooperasyong pangkabuhayan, pangangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at aktibong lalahukan ang mga talastasan hinggil sa multilateral na kalakalan. Umaasa ang Tsina, na komprehensibong ipapatupad ang protokol hinggil sa upgraded China-ASEAN Free Trade Area, tatapusin sa lalong madaling panahon ang talastasan hinggil sa Regional Economic Cooperation Partnership, at pasusulungin ang pagtatatag ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Asya-Pasipiko. Patuloy ding tatalakayin ng Tsina, kasama ng mga may kinalamang rehiyon at bansa, ang hinggil sa mga kasunduan sa pamumuhunan at kalakalan.