Ipinahayag noong Linggo, Marso 5, 2017, sa Kuala Lumpur ni Liow Tiong Lai, Presidente ng Malaysian Chinese Association (MCA), na dahil sa pagtaas ng presyo ng mga raw material na gaya ng palm oil at goma, ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansa sa taong 2017 ay may pag-asang lalampas sa inaasahang target.
Sa seremonya bilang pagdiriwang sa ika-68 anibersayo ng pagkakatatag ng MCA, sinabi ni Liow na sa kasalukuyan, aktibong pinapasulong ng pamahalaan ng Malaysia ang isang pangmatalagang plano ng pag-unlad na tinatawag National Transformation 2050 (TN 2050) at naniniwala siyang papasok ang bansa sa top 20 ng buong daigdig sa taong 2050.