|
||||||||
|
||
Lumahok kahapon, Biyernes, ika-10 ng Marso 2017, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa talakayan ng delegasyon ng Xinjiang Uygur Autonomous Region sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.
Binigyang-diin ni Xi, na ang pangmatagalang katatagan at katiwasayan ay pinal na target ng iba't ibang usapin ng Xinjiang. Dagdag niya, bilang lugar na pinaninirahan ng mga mamamayan ng 47 grupong etniko, dapat palakasin ang pagkakaisa ng iba't ibang grupong etniko sa Xinjiang.
Tinukoy din ni Xi, na ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ay paunang kondisyon ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng Xinjiang. Batay dito aniya, dapat pasulungin ang mga industriyang may bentahe, palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura, at pag-ibayuhin ang pagpigil sa polusyon, para pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Xinjiang.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |