Sa kanyang paglahok kamakailan sa pulong ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), tinukoy ni pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Guangxi ay magiging gateway na mag-ugnay sa Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.
Ipinahayag naman ni Huang Fangfang, kinatawan ng NPC at Director ng Development and Reform Commission ng Guangxi, na ang "Belt and Road" Initiative ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa kooperasyon ng Guangxi at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Dapat din aniyang palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig.
salin:Lele