Ipinalabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang dokumento hinggil sa pagpapasigla ng pamumuhunan sa mga usaping panlipunan.
Ayon sa naturang dokumento, i-e-enkorahe ng pamahalaang Tsino ang pamumuhunan ng mga pribadong sektor, bahay-kalakal na ari ng estado, at puhunang dayuhan, sa ilang usaping panlipunan, na gaya ng serbisyong medikal, serbisyo para sa mga senior citizens, edukasyon, kultura, at palakasan. Para sa nasabing pamumuhunan, magkakaloob ang pamahalaan ng mga preperensyal na hakbangin, na gaya ng pagpapaluwag ng market access, pagbibigay-tulong sa financing, pagbabawas ng buwis at singil, pagpapabuti ng superbisyon, at iba pa.
Ipinalalagay ng mga eksperto, na sa kasalukuyan, kakaunti ang pamumuhunan ng non-government sector sa naturang mga usaping panlipunan, at sa pamamagitan ng naturang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino, hihikayatin ang mas maraming pamumuhunan. Ito anila ay makakatulong sa pag-unlad ng naturang mga usapin.
Salin: Liu Kai