|
||||||||
|
||
IPINATARING ng Department of Foreign Affairs ang kanilang pagkabahala sa lumabas na pahayag ng European Parliament hinggil sa usapin ni Senador Leila de Lima sa pagdududa ng mga banyaga sa legal processes sa Pilipinas, sa hudikatura nito at mga garantiyang napapaloob sa Saligang Batas na magtatanggol sa lahat ng mga mamamayan.
Kinikilala at pinahahalagahan ng Pilipinas ang "rule of law" tulad ng pangakong gagarantiyahan ang Karapatang Pangtao.
Bagama't kinikilala ng Pilipinas ang malayang paninindigan ng European Parliament sa EU system, ang mga resolusyong ipinasa ng mga kasama nito ay nararapat magkaroon ng 'di mapagdududahang pinagmulang datos at impormasyon.
Matibay ang mga haligi ng criminal justice system at magagamit ninoman 'di lamang ni Senador de Lima. Ang pormal na reklamo laban sa mambabatas ang magiging daan upang makita ang pagkilos ng mga hukuman ayon sa batas. Mas makabubuting huwag nang gamitin ng mga banyaga ang kanilang impluwensya sa kalalabasan ng usapin ng senador, dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |