|
||||||||
|
||
NANANATILING matigas sa kanilang desisyong pumasok sa mga tahanang walang nakatira sa mga proyekto ng National Housing Authority sa Bulacan, sa likod ng pagbabantang palalayasin sila ng mga autoridad sa kanilang ginawang pananalakay.
Ayon kay KADAMAY Chairperson Gloria Arellano na kahit sinabihan sila ni Pangulong Duterte at ng NHA na umalis na sa kanilang tinitirhang tahanan, hindi sila matitinag upang ipakita lamang ang 'di matuwid na programa sa pabahay para sa mahihirap.
Bakante pa umano ang mga tahanan kaya nila pinasok at tinirhan. Pumasok din ang mga maralita sa Bocaue Hills, isang housing project para sa mga pulis kaya't umabot na sa 8,500 tahanan ang kanilang tinitirhan ngayon.
Magaganap din ang mga pagpasok na ito sa iba pang bahagi ng Pilipinas, dagdag pa ni Gng. Arellano. May ulat umano ang NHA noong Setyembre na mayroong 53,000 mga tahanan na karamihan ay para sa mga pulis ang 'di pa natitirhan ng mga benepisyaryo. Dahilan umano sa layo sa kanilang mga trabaho kaya nanatiling bakante ang mga tahanang ito.
Obligasyon umano ng pamahalaan na ipamahaging muli ang mga tahanan sa higit na nangangailngan, dagdag pa ni Gng. Arellano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |